Kahit mag-isa lang ako ngayong umaalala sa nakalipas na mga alaala.
hindi ko na siguro pagsisisihan ang pakiramdam na nahulog ang loob ko sa kanya, noon.
Baliw na kung baliw pero kahit gaano karaming luha ang tumulo at tintang naupos sa pira-pirasong papel dahil sa kanya, masaya ako dahil nakilala ko siya.
Hindi ko alam kung paano pero siguro kasi di pa ako nakakahanap ng katulad niyang may kalog. Nilalang na magiging dahilan na pagkabuhay at pagkamatay ng aking damdamin.
Maalaala mo kaya...:)
Lagi kong sinasabi na halos ilang taon na rin ang lumipas,
ngunit sa tuwing isusulat ko ang
parte ng buhay ko na iyon ay tila
tumitigil ang oras
para lang sakin at ang lahat sa aking paligid
ay sumasang-ayon sa bugso ng aking damdamin sa aking pagsusulat.
Hanggang ngayon ay hindi niya pa siguro nararamdaman kung gaano
kabigat sakin nuon ang apaw ng luha na pumuno sa aking pagiisip. Hindi niya alam na
madalas ay nalunod na ako ng paulit-ulit na tila ba'y wala ng sasagip. At kung meron man,
ay nabulag ako sa pagasang hindi naman pala dumating. Hindi niya rin
alam kung paano ang pagwasak sa aking rason sa bawat minuto na makita siya
ay nalalapatan ako ng musika. Musika?
Hind niya alam na artista ako noon, na kahit di man sikat ay naging eksperto naman sa pagtatago ng tunay na adhikain. Sa aking pagiging artista ay namanhid ako sa harap niya. Sa harap lamang niya. Sa maikling panahon na iyon ay hindi pa rin niya siguro alam kung gaano kasakit ang magpaalam sa nakaraan at harapin ang aking kinatakutan.
Higit sa lahat, hindi niya alam na minsan lang
akong mahulog ng ganun. Ang uri ng kalaliman na kahit
ang mga taon ay hindi kayang hilumin kaagad-agaran
ang sugat na namuo at dumugo na puso.
Pero walang sugat kahit saan,
nagkapasa lang naman.
Ngunit sa pagdaan din ng ganitong mga karanasan, marami din akong natutunan.
Katulad na lamang sa paglawak ng aking makitid at murang pagiisip.
Hindi sa lahat ng oras ay dapat akong umasa sa iba.
Hindi lang sa tao kundi sa lahat ng bagay at pagkakataon. Dapat ay marunong kang tumayo
sa iyong sariling mga paa at manindigan sa iyong mga desisyon, kamalian o katagumpayan.
Pero buti na lang, nagisip din ako ng tama (mantakin mo yun..nagisip din pala ako?) Dahil ng umiwas ako sa kanya, natuto akong tumingin sa mga bagay na inakala ko ay hindi ko
makakayang gawin ngunit kaya ko pala.
Katulad ng musika at salita.
Sa pagkabatang-isip kong iyon ay natuto akong lumipad sa isang mundong
masyadong mahiwaga at malalim.
At di na ako makabalik.
Masyado na daw akong seryoso.
Try mo kong pakinggan.
"Hahaha."
Kahit sa salitang toh, hindi na ako ang sarili ko.
Di ba?
. . . . .
(Oo ka dyan, bakit, narinig mo ba?)
Pero magkagayon man, masaya na ako magisa at nagdadrama.
Pero siyempre hindi na kagaya noon. Di mahirap yun pag-artista ka na o kung anu pa man, basta sanayan lang. At masaya na akong magpatuloy sa paghahanap ng sarili ko at dun sa nakatingin sakin mula sa alapaap. Kasiyahang maririnig sa pag-ngiti at di pagtawa.
Mahika, brad. Di ako literal. Siya rin siguro.
Pero siyempre, buti na lang di niya malaman noon.
Ngayon, kung mabasa niya toh. Ayos lang. Malaman niya na lang na may dalawang gabi na naman pagkatapos ng halos ilang taon na hindi ko natulugan dahil naalala ko ang mga alaala na yon na parang isang pelikula na paulit...ulit...ulit...ulit...
Hindi niya nga rin pala alam, siya ang pinakauna.
P.S. Sasabihin ko sana sabi ni Inday, kaso di nako bata para dun.

No comments:
Post a Comment